-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng makulimlim hanggang sa maulangan panahon sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa isang low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa may coastal waters ng Calauag, Quezon.

Kabilang sa mga lugar na maaaring makaranas ng ulan ay ang mga sumusunod: Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at mainland Cagayan.

Sa kasalukuyan, umiiral din ang hanging habagat na nakakaapekto sa mga lugar na nasa western section ng ating bansa.

Mula pa kahapon ay naranasan ang magdamag na mga pag-ulan sa ilang parte ng Luzon.