-- Advertisements --
himawari 042722 1
Pagasa Himawari data

Asahan ang mga biglaang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Mindanao, dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 180 km sa timog timog silangan ng Zamboanga City.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan, maliit ang tyansa nitong maging ganap na bagyo, ngunit makakaapekto pa rin sa bansa hanggang sa weekend.