-- Advertisements --
Paiigtingin pa ng low pressure area (LPA) ang mga pag-ulan sa southern Luzon at Visayas, ngayong araw.
huling namataan ang LPA sa layong 635 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Kabilang sa apektado ng namumuong sama ng panahon ang Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao Provinces, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Sa ngayon, mababa pa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo.
Samantala, southwest monsoon o hanging habagat naman ang naghahatid ng ulan sa Western at Central Visayas, MIMAROPA, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Metro Manila.