-- Advertisements --

Sisimulan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbabalik ng operasyon ng lotto sa Agosto 4.

Ayon sa PCSO, ang pagbebenta ng mga tickets ay maibabalik sa ilang piling lugar depende sa community quarantine category at lockdown status na ipinapatupad ng mga local government unit.

Ibinaba na rin ang presyo ng mga lotto ticket sa P20.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na magkakaroon muna sila ng “catch-up” draws sa mga lotto tickets na nabili bago ang suspension noong March 17.