-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kulong ang isang lalaki matapos patayin ang sariling lolo sa pamamagitan ng paglagdag sa balon sa Guimaras.
Ang arestado ay si Dennis Ojana, 25, residente ng Brgy. Sinapsapan, Jordan, Guimaras.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Kenneth Bermejo, hepe sang Jordan Municipal Police Station, sinabi nito na nahaharap sa kasong parricide ang suspek.
Ayon sa hepe, may nakasaksi mismo na nag-away ang apo at ang kanyang lolo hanggang na nilaglag niya ang matanda sa loob ng balon.
Napag-alaman na nagtago pa ang suspek matapos ang krimen.