Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Wala nang buhay nang makita ang isang lolo katabi ang kanyang dalawang aso sa loob ng bahay nito sa Youngfield, lungsod ng Tacloban.

Kinilala ang biktima na si Elpidio Bautista, 89, residente ng nasabing lugar.

Ayon Maj. Jesus Rico Esoy, acting station commander ng San Jose Tacloban City Police Station, nakita ng isang concerned citizen na nakahandusay at wala nang buhay ang nasabing lolo katabi ang dalawang aso.

Nabatid na mag-isang naninirahan ang biktima sa nasabing bahay at minsan umano ay namumulot ito ng basura sa kanilang lugar.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa nasabing insidente at natura death ang pinaniniwalaang nangyari sa biktima.