-- Advertisements --

Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng isang public utility vehicle (PUV) driver na sangkot sa isang aksidente sa Tacloban City noong Martes, kung saan dalawang pasahero ang nasawi at ilan pa ang nasugatan.

Ayon sa imbestigasyon ng LTO, bumangga ang PUV sa isang poste ng ilaw malapit sa Tacloban City Airport sa Barangay San Jose. Tumakas umano ang driver sa halip na tumulong sa mga biktima, na labag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Dagdag pa nito naglabas din ang LTO ng show cause order sa driver at may 10 araw upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin o bawiin ang kanyang lisensiya. Habang pansamantalang sinuspinde ang lisensiya ng driver sa loob ng 90 araw habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.