LEGAZPI CITY – Tulong-tulong na ang mga Filipino sa New York, USA upang makabangon habang unti-unti nang bumubukas ang estado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kym Villamer, Pinay nurse sa New York, solido ang pagsasamahan ng mga Pinoy sa US.
Matatag rin aniya ang Filipino community dahil sa pagbabayanihan.
Inihalimbawa pa nito kung mayroong pangangailangan ang isa tulad na lang ng sa personal protective equipment, ginagawan ng paraan para maibigay ang gamit.
May mga volunteers rin na tumutulong sa pagbili ng gamot at iba pang pangangailangan ng mga senior citizens na hindi makalabas.
Nagbibigay naman ang iba ng free legal counsel para sa mga may problema sa stimulus at unemployment benefits.
Booming rin aniya ang local local business ng mga Pinoy lalo na’t marami ang nagpapatronize ng mga produkto tulad na lang ng mga ibinebenta na lumpia, lechon at marami pang iba.
Bilang isang frontliner, aminado si Villamer na nangangamba rin para sa pamilya na nasa Pilipinas ngunit nilalakasan na lang ang loob at nanatiling positibo.
Ayon kay Villamer na imbes na pagsuko, frustation ang maramdaman lalo na’t mas marami pa ang hangad na matulungan at mailigtas sa gitna ng krisis.