LAOAG CITY – Pormal nang nagsimula ang Little League Philippines Series 2026 ngayong araw dito sa Ilocos Norte.
Mayroong humigit-kumulang 170 na koponan na binubuo ng anim na libong manlalaro sa buong bansa.
Ito ay para sa mga batang atleta na may edad 17 pababa sa baseball at softball.
Handa na ang mga playing venue, billeting area at logistics para sa libu-libong kalahok na ang pangunahing venue ay ang Ferdinand E. Marcos Sports Stadium.
Ang lalawigan ay pinalalakas bilang isang sports tourism hub sa Northern Luzon.
Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Ilocos Norte sa national finals ng Little League Philippines matapos ang matagumpay na pagho-host ng Palarong Pambansa 2025.
Ang Little League Philippines Series 2026 ay gaganapin mula ngayong araw, Abril 17 hanggang Abril 25.
Samantala, ipinaalam ni Mr. Michael Zialcita, District Administrator ng Little League Philippines, ang mga mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na kumatawan sa Pilipinas sa Asia-Pacific tournaments at World Series sa Estados Unidos.
















