duterte signing Ano

Sasailalim na sa regulasyon ng gobyerno ang presyo ng mga pangunahing gamot gaya ng mga maintenance medicines na karaniwang hindi kayang bilhin ng mga mahihirap.

Batay ito sa Executive Order 104 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kinikilala ng gobyerno na ang mahal na healthcare kabilang na ang mga gamot ang nagtutulak pa sa dagdag kahirapan sa maraming Pilipino.

-- Advertisement --

Kaya madalas ay hindi na nagpapagamot o bumibili pa ng gamot ang mga ito kaya tumataas ang bilang ng morbidity at mortality rates sa ano mang antas ng lipunan o socio economic classes.

Batay sa proposal ng Department of Health (DOH), 122 drug molecules o 205 drug formulas ang dapat na i-regulate ang retail prices.

Kaya naman inaprubahan ito ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagtatakda ng maximum retail price (MRP) at maximum wholesale price (MWP).

Kabilang sa mga gamot na kokontrolin na ang presyo ay ang madalas gamitin ng general public para sa mga pangkaraniwang sakit na nagdudulot ng mataas na morbidity at mortality; mga gamot na mas mahal ang presyo kumpara sa international prices; mga gamot na may limited competition sa usapin ng kakulangan ng generic counterparts o kakulangan ng market access sa mga produktong ito; at mga gamot na pinakamahal pero “most prescribed” o mabenta sa merkado.

Nakapaloob sa EO 104 ang listahan ng mga gamot na dapat i-regulate, partikular na ang anti-hypertensives, anti-neoplastic/anti-cancers, analgesics, anti-asthmatic and chronic obstructive pulmonary disease preparation, anti-coagulant, anti-angina, agents affecting bone metabolism, anti-emetic, psoriasis, seborrhea and ichthyosis preparation, anti-depressant, irenchelating agent, growth hormone inhibitor, anti-viral, fibrinolytic, hematopeientic agent, mucolytic, parenteral nutritional product, phosphate binder at surfactant..

Ang MRP ay kailangang ipatupad sa lahat ng pampubliko at pribadong retail outlets kabilang ang drugstores, hospitals at hospital pharmacies, health maintenance organizations, convenience stores at supermarkets.

Ang MWP naman ay dapat ipatupad sa lahat ng manufacturers, wholesalers, traders at distributors.

EO 104 Medicine Price Ceiling
EO 104 Medicine Price Ceiling 1
EO 104 Medicine Price Ceiling 2
EO 104 Medicine Price Ceiling 3
EO 104 Medicine Price Ceiling 4
EO 104 Medicine Price Ceiling 5