-- Advertisements --
Walang makapigil kay Damian Lillard na nagbuhos ng 50 points upang isalba ang Portland Trail Blazers sa one point win laban sa New Orleans Pelicans, 125-124.
Nagtala rin si Lillard ng 10 assists kung saan umabot sa anim na three points ang kanyang naipasok.
Naging bayani rin si Lillard nang maipasok ang free throws sa huling 1.2 segundo.
Una rito, nahabol ng koponan ang 17 puntos na kalamangan ng Pelicans habang anim na minuto pa ang nalalabi sa laro.
Sa ngayon hawak ng Blazers ang 23-16 record.
Sa panig ng Pelicans (17-23) sina Brandon Ingram ay may 30 points, Zion Williamson nagpakita ng 28 at si Lonzo Ball ay nagpakawala ng 11 puntos at season-high na 17 assists.