mrt3
-- Advertisements --

dotr tugade

Inanunsiyo ng pamunuan ng LRT-2, MRT-3, at Philippine National Railways (PNR) na kanila pa ring ipagpapatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga vaccinated Authorized Persons Outside Residence (APOR), subalit sa mga piling oras na lamang.

Ayon kay Department of Transporation (DOTr) Secretary Art Tugade sa limitadong pagpapatuloy ng Free Rides for Vaccinated APORs Program, vaccinated APORs ay maari pa rin sumakay sa LRT2 at PNP trains sa off-peak hours.

Habang ang libreng sakay para sa mga APORs sa MRT-3 trains sa panahon ng peak hours.

Nilinaw naman ni Sec. Tugade na ang Free Rides for Vaccinated APORs Program ay ipatutupad lamang sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila simula kahapon August 22 at magtatapos sa Aug. 31.

-- Advertisement --

“Any further extension of the free ride program for vaccinated APORs will be later re-evaluated depending on changes in the quarantine status of Metro Manila, and the operational requirements of the rail lines. This free ride program aims to encourage more APORs to get vaccinated especially now that new and more transmissible variants of COVID-19 are emerging,” pahayag ni Sec.Tugade.

Mahigpit naman pinaalalahanan ng kalihim ang mga APORs na istriktong sundin at obserbahan ang physical distancing at iba pang health protocols.

Siniguro naman ni Sec Tugade na lahat ng trains ay mayruong mga transport marshals na siyang magpapatupad ng health protocols at mag identify na ang isang indibidwal ay talagang APOR.

Sisiguraduhin din ng mga marshals ang wastong pagsusuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng tren at mga istasyon.

Dagdag pa ni Tugade ang mga pasahero na nagpapakita ng sintomas ng Covid-19 ay hindi papayagang sumakay sa tren.