-- Advertisements --
duterte covid IATF facemask

Umapela ang Commission on Higher Education (CHEd) sa National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ang mga estudyante ng libreng access sa mga online educational resources.

Sa kanyang ika-walong lingguhang report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinusulong ng CHEd ang zero-rated internet access para sa tatlong milyon na college students.

Sinabi rin ng Pangulo na nakipagpulong na rin ang CHEd sa mga pampubliko at pribadong higher education institutions (HEIs) para makapaghanda sa transition na gagawin patungong flexible learning arrangements.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Malacañang na ang opening ng klase sa iba’t ibang universities at colleges sa gitna ng COVID-19 pandemic ay dedepende sa education delivery mode.

Nakasaad sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response na ang mga HEIs na may full online education system ay maaring magbukas ng kalse anumang oras.

Ang mga HEIs na may flexible learning system ay maari namang magbukas anumang araw sa Agosto 2020.

Iyong mga HEIS naman na face-to-face o in-person mode pa rin ang sistema nang pagtuturo ay maaring magbukas sa Setyembre pero sa mga lugar lamang na kabilang sa general community quarantine areas.

Ipinagbabawal kasi ang residential o face-to-face classes hanggang Agosto 31, 2020.