-- Advertisements --

Nanunuluyan pa rin sa mga itinalagang evacuation centers sa Metro Manila ang libo-libong pamilya na naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng habagat.

Batay sa datos ito ay katumbas ng nasa 19,153 pamilya o 69,595 na indibidwal na mas piniling mamalagi sa mga evacuation areas.

Ang bilang na ito ay mula naman sa 118,723 pamilya o katumbas ng 462,415 indibidwal na nagmula sa 328-barangay 17 lungsod sa Kalakhang Maynila.

Karamihan sa mga ito ay biktima ng mga pagbaha dulot habagat , nagdaang bagyong Crising, Dante at Emong sa bansa.

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na nananatiling bukas ang nasa 278 evacuation centers para sa mga na displaced na pamilya dulot ng mga weather system.

Mula kahapon ay nakapag hatid na ang ahensya ng 118,524 family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha sa Metro Manila.

Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na nakahanda sila sa pagbibigay ng karagdagang tulong sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong.