-- Advertisements --

ROXAS CITY – Wala pa mang detalye ang nakatakdang libing ng namatay na si Kobe Bryant o binansagang ‘Black Mamba’ ay inaasahan na umano ng mga taga-Amerika na magiging historic ito o makasaysayan.

Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Raffy Fernando, tubong Capiz at naba-se ngayon sa Northwest, Indiana, USA sa kaniyang ulat sa Bombo Radyo Roxas.

Aniya kaliwa’t-kanan ang paraan ng mga Americans sa pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Bryant.

May ilan umanong umaalay ng mga bulaklak at kandila, may mga sumusuot ng jersey’s na mayroong numbers 8 at 24, at mayroon ring mga lugar na pinuno ng purple at gold na ilaw na nagsisimbolo ng kulay ng Los Angeles Lakers kung saan inumpisahan at tinapos ni Bryant ang kaniyang 20-season NBA career.

Nagpapatuloy naman umano ang imbestigasyon ng mga Federal investigators upang matukoy kung ano ang sanhi ng helicopter crash na kumitil sa buhay ng NBA super star at 8 iba pa kabilang anak nitong si Gianni.