CENTRAL MINDANAO- Nanguna sina Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal sa ika-7 round nang pamamahagi ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng Coronavirus Disease (Covid 19) crisis sa bansa.
Inatasan mismo ni Mayor Datu Otho Montawal ang mga Barangay Officials sa 11 Barangay sa Datu Montawal katuwang si MDRRMO Officer Bal Kadiding na siguraduhin na lahat ng mga residente lalo na mga mahihirap na pamilya ay makakatanggap ng tulong.
Todo pasasalamat naman ang mga residente sa mag-amang Montawal na may pusong mamon at tuloy-tuloy na namamahagi ng tulong lalo na sa unang ginang na si Bai Kristel Montawal na nanguna rin sa pag-abot ng tulong sa kanyang mga kababayan.
Matatandaan na inani mismo ng Alkalde ang kanyang mga pananim na oil palm sa kanyang sakahan at ang benta nito ay ibinili ng bulto-bultong bigas para ipamigay sa kanyang mga nasasakupan.
Ang Father and Son Cares ay inuna ang pangangailangan at kapakanan ng mga residente sa bayan ng Datu Montawal kaysa sarili nila.
Sinabi ni Mayor Datu Otho Montawal na dama niya ang paghihirap ng kanyang mga nasasakupan lalo na ang mga kapus palad dahil doon siya nanggaling at nakaranas rin ng kahirapan sa buhay.
Ngunit nagsikap ang kanilang ama na si dating Pagalungan Maguindanao Mayor Datu Djanggo Montawal at ang kanilang ina na si dating Datu Montawal Mayor Bai Annie Montawal kaya umangat ng konti ang kanilang pamumuhay.
“Noong bata pa ako pag may dumaan na nagbibinta ng ice cream gustuhin ko man na kumain ay hindi mabili ng aking mga magulang dahil sa sobrang hirap namin”kaya tumatak sa puso at isipin ko na pag umangat ako di rin ako makalimot na tumulong sa kapwa ko ”saad ni Montawal.
Sobrang hirap ngayon ang nararanasan ng mga residente,tag-init,krisis sa Covid 19 at ang nakalipas na lindol na hanggang ngayon ay halos di pa nakabangon.
Hiling ni Mayor Montawal sa lahat na manalangin dahil tanging si Allah o si Hesu-Kristo sa mga Kristiyano ang pinakamabisang armas laban sa Covid 19.
Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang bayan Datu Montawal Maguindanao.