-- Advertisements --
PCG swab test COVID coronavirus

Hinihimay na ng Department of Justice (DOJ) ang P100-million agreement ng COVID-19 tests sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) at Philippine Red Cross (PRC)

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kasalukuyan nang inaaral ang naturang kasunduan at posible na ngayong linggo ay ilalabas ng DOJ ang kanilang legal opinion hinggil dito.

Nabatid sa memorandum of agreement (MOA) na nagbigay ng paunang bayad ang PhilHealth na nagkakahalaga ng P100 million sa PRC para sa COVID-19 testing services nito sa kabila ng mandato sa ilalim ng batas na kailangan ng reimbursements.

Saad pa ni Guevarra, humingi umano ng opinyon si Philhealth chief Dante Gierran ukol sa nasabing MOA bago ito gumawa ng desisyon kung babayaran ang natitirang utang nito sa Red Cross.

Posible aniya na magkaroon ng civil liability ang Philhealth sa PRC ngunit hindi rin nila tinatanggal na maaaring criminal liability din ang kaharapin nito.

Tinatayang aabot ng P930 billion ang utang ng state health insurer sa Red Cross. Magugunita na simula noong Oktubre 14 ay itinigil ng PRC ang pagkuha ng COVID-19 tests sa mga returning overseas Filipino workers (OFWs) hangga’t hindi nagbabayad sa kanila ang Philhealth.

Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roquez na babayaran ng gobyerno ang kalahati ng utang ng Philhealth sa susunod na linggo.