Tiniyak ngayon ni Lakers superstar LeBron James na walang dapat ikabahala ang kanyang mga fans sa napaulat na kanyang pagkatapilok at pag-inda niya sa kanyang kaliwang bukong-bukong.

Una rito sa pagkatalo ng Lakers sa Clippers, 116-109, lumabas na siya sa court sa fourth quarter na may natitirang 7:51 minuto pa.

Lebron james King james

Mula rito hindi na bumalik pa sa game si James.

Ayon naman kay James, hindi naman delikado ang nangyari sa kanya at wala siyang injury.

Biro pa nito, “ice” lamang at “wine” at mawawala na ang sakit.

Magpapakunsulta rin daw siya sa kanilang treatment facility.

Sinabi pa ng 18-year veteran, sa Christmas Day game ay maaasahan ng mga fans na muli siyang maglalaro kontra sa Mavs.

“I turned it pretty good but I don’t think its going to stop me from playing on Friday,” ani James.

Una rito, nagtapos si James sa kabuuang 22 points, 5 rebounds, 5 assists at 4 turnovers sa loob ng 28 minutes.

Mistulang pinahiya ng Clippers ang Lakers sa buwena manong panalo na nagkataon pa na isinagawa ang awarding ng championship ring para sa Lakers players na nagkampeon noong nakaraang NBA bubble matapos talunin ang Miami.