Hiniling ni NBA superstar LeBron James sa kanyang mga teammates sa Los Angeles Lakers na magdoble kayod sa Game 5 bukas laban sa karibal na Phoenix Suns sa Western Conference first round playoffs.
Namemeligro kasi ang defending champion sa kanilang kalagayan matapos mahabol sila ng Phoenix sa tig-dalawang panalo.
Ayon kay James kailangang mag-step up ang kanyang mga kasama sa laro bukas upang punan ang malaking kawalan ni Davis.
Sinabi naman ng Lakers coaching staff hindi pa sila sigurado kung makakalaro si Davis at kailangang masuri muli ito bago ang game time.
Iniulat ng doktor na dumanas si Davis ng Grade 1 groin strain.
Kumpiyansa naman si coach Frank Vogel, kahit wala si Davis kaya pa rin namang dalhin ni LeBron ang Lakers para makalusot sa Phoenix Suns.
Bukas ng alas-10:00 ng umaga ang Game 5 ng Lakers at Suns.