-- Advertisements --

Ibinilang ng Los Angeles Lakers sa kanilang biktima ang Cleveland Cavaliers, 115-108.

Ito na ang ika-10 panalo ng Lakers para sa kanilang perfect record sa road games.

Nanguna sa opensa ng Lakers si LeBron James na kumamada ng 46 big points laban sa kanyang dating team na binigyan nya noon ng korona taong 2016.

Lebron james king james
Lakers star LeBron James (photo @Lakers)

Maging si Anthony Davis na may 17 points ay bumilib sa walang humpay na tira ni James sa iba’t ibang angulo para iposte ang kanilang 14-4 record.

Ang Cavs naman hawak ang 8-9 kartada.

Ang naturang panalo ng Lakers ay isang araw bago ang unang taon na anibersaryo nang pagpanaw ng Lakers great na si Kobe Bryant.

Susunod na laro ng Lakers ay Huwebes kung saan dadayo sila sa Philadelphia.

Ang Cavs naman ay host sa Detroit Pistons.