-- Advertisements --

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors, 128-97.

Sumandal ang Lakers sa triple-double performance ni LeBron James na may 22 points, game high na 10 rebounds at 11 assists.

Ito na ang ikaapat ngayong season ni James.

Lakers Lebron NBA

Batay sa listahan ng NBA all-time triple-doubles nasa panglima siya sa pwesto at kailangan lamang ang siyam upang lampasan ang NBA great na si Jason Kidd (107).

Malaking tulong din naman ang ginawa ni Montrezl Harrell sa LA kung saan 15 puntos niya mula sa team-high 27 points ay nagawa sa second quarter.

-- Advertisement --

Habang hindi rin nagpahuli sina Talen Horton-Tucker na may 18, Kyle Kuzma na nagtala ng 17 at si Kentavious Caldwell-Pope na nagpakita ng 14.

Bago ito ang Warriors (20-20) ay kagagaling lamang sa impresiibong panalo kontra sa Jazz.

Pero hindi naman sila umubra sa Lakers (26-13).

Nasayang din ang ginawa ni Stephen Curry na napantayan ang ginawa ni Harrell sa pamamagitan ng 27 points.

Ang kanilang pagkatalo ay panglima sa nakalipas na huling anim na games.