-- Advertisements --

Pinawi ng Los Angeles Lakers ang pangamba ng kanilang fans sa hindi paglalaro ng dalawang superstar nila na sina LeBron James at Anthony Davis sa paghaharap nila ng Los Angeles Clipper sa NBA Christmas game.

Sumali na kasi ang dalawa sa ensayo isang araw bago ang laban nila sa Clippers.

Nagtamo ng thoracic muscle strain injury si James sa laban nila ng Indiana Pacers noong Huwebes habang si Davis ay nagtamo ng injury sa tuhod sa pagkatalo nila sa Denver Nuggets.

Nauna rito nabahala ang maraming fans dahil sa hindi napasama ang dalawa sa isinagawang ensayo ng koponan nitong Lunes.