Ilang biyahe ng eroplano ang naapektuhan ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Kinumpirma ng ahensya na dalawang flights ang nakansela:
5J 506: Manila patungong Tuguegarao
5J 507: Tuguegarao pabalik ng Manila
Samantala, tatlong flights naman ang na-divert patungo sa ibang paliparan upang maiwasan ang panganib dulot ng masamang panahon:
CEB860 mula Zamboanga patungong Manila
GAP2814 mula Davao patungong Manila
CEB280 mula Denpasar, Bali patungong Manila
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang CAAP sa mga airline companies upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maayos na pamamahala sa mga apektadong biyahe.
Pinayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa karagdagang impormasyon at rebooking ng kanilang flights.










