ILOILO CITY – Desididong magsampa ng kaso ang isang online teacher na biktima ng pamboboso sa Delagado Street, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa biktima na si alyas Maymay, 26, tubong Roxas City, sinabi nitong ang suspek ay si alyas Binsoy, 24, taga-San Jose, Antique at isang law student sa isang unibersidad sa lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Maymay, naliligo siya sa banyo sa ikatlong palapag ng kanilang apartment kung saan kanyang nakita ang go pro action camera na nakatutok sa kanya.

Inihayag ng biktima na nasa kabilang cubicle ng banyo ang suspek habang nagvi-video.

Nakipag-areglo pa ang suspek na kaagad na burahin ang video ng biktima.

Sa ngayon, nasa “state of shock” pa rin si Maymay dahil sa pamboboso sa kanya ng suspek na kasintahan ng kanyang boardmate na babae.