CAUAYAN CITY- Unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay sa Nevada, United States of America pagkatapos ng outbreak ng COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi nina Bamba Gregorio, tubong lungsod ng Ilagan at Mirriam Pasimio, tubong Batangas na nasa Nevada ngayon na malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa mga Casino sa naturang estado dahil bihira na lamang ang mga dayuhang turista na nagtutungo roon.
Mula nang magkaroon ng COVID-19 ay tanging ang mga malalapit na lugar sa Nevada ang nakakapunta sa mga Casino tulad ng Utah at California.
Sa ngayon anila ay bumabalik na sa normal ang pamumuhay nila sa nasabing estado .
Dagdag pa nila na sanay na rin ang mga tao dahil hindi naman masyadong mahigpit ang mga otoridad hindi tulad sa ibang estado ng Amerika na nagpapatupad ng lockdown.
Dahil dito, nakakalabas na sila ngunit kinakailangang magsuot ng facemask at sumunod sa mga health protocols para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.
Sinabi nina Gregorio at Pasimio na kaya marami ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Amerika ay dahil libre ang swab test sa Nevada.