Naglaan na ngayon ng P3 million na pabuya ang Zamboangan City government para sa mga makakapagturo sa kinaroroonan ng tatlong Sulu-bases Abu Sayyaf Group (ASG) members na sinasabing responsable sa pagpapasabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 15 katao.
Kasunod na rin ito ng paglalabas ng pangalan ng pamahalaan ng Zamboanga sa pangalan at larawan ng mga suspek na sina Andi Baso, lalaki, 17 hanggang 25 -anyos; Reski Fantasya alyas Cici, Indonesian, 17 hanggang 22-anyos na sinasabing asawa ni Andi Baso.
Kasama rin sa mga nahuli si Mundi Sawajaan, Pilipino na pamangkin ni Hatib Hajan Sawajaan.
Si Hatib Hajan Sawadjaan ay Filipino militant na affiliated sa Abu Sayyaf at naging leader ng grupo na sumanib din sa Islamic State of Iraq and the Levant mula noong namatay si Isnilon Hapilon noong 2017.
Ang tatlo raw ay pinakilos para magsagawa ng terorismo sa Zamboanga Peninzula.
Pinayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag at agad isumbong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang mga indibidwal sa kanilang komunidad.