-- Advertisements --

Biglang tumaas ang presyo ng krudo kasunod ng ulat na pinaputukan at sinamsam ng US Navy ang isang Iranian-flagged cargo ship sa Gulf of Oman, na umano’y sumubok umiwas sa naval blockade.

Nagbanta umano ang Iran ng agarang pagganti sa insidente, na tinawag nitong “armed piracy,” habang patuloy ang tensyon sa pagitan ng US at Iran sa rehiyon.

Dahil dito, naapektuhan ang suplay sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daluyan ng langis sa mundo—na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng US crude sa $87.90 kada bariles at Brent crude sa $95.64.

Nauna nang bumagsak ang presyo matapos umasa ang merkado sa posibleng pagbubukas ng ruta, ngunit binaligtad ito ng panibagong eskalasyon ng alitan.

Sa gitna ng krisis, nananatiling malabo ang usapang pangkapayapaan habang tumatanggi ang Iran sa panibagong talks sa Pakistan dahil sa patuloy na blockade ng US. ( report by Bombo Jai)