LAOAG CITY – Sugatan ang isang land agent matapos saksakin ng mismong tiyuhin nito sa Brgy 20, Paratong, Paoay, Ilocos Norte.
Kinilala ni Police Major Eddie Suyat, ti chief of police ng Paoay Municipal Police Station ang biktima na si Emerson Menor, 45-anyos, may asawa, land agent habang ang suspek ay si Danilo Menor, 62-anyos, may asawa, dating OFW at parehong residente sa naturang barangay.
Ayon kay Suyat, sa kanilang imbestigasyon ay sinisingil ng suspek ang utang umano ng biktima ngunit nagsalita ng masama ang mas batang Menor.
Dahil dito, nagalit umano ang suspek at agad nitong kinuha ang kutsilyo sa kanyang kurung-kurong at sinaksak ang biktima na na dahilan ng sugat sa kanyang dibdib.
Agad namang naitakbo sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac ang biktima habang ang suspek ay sumuko sa mga otoridad at bitbit nito ang kutsilyo na ginamit insidente.
Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang biktima at nagpapagaling sa naturang ospital.
Sinabi pa ni SUyat na base sa kanilang impormasyon ay noon pa umanong 1990’s ang utang ng biktima ngunit iginiit nito na nabayaran na niya ito
Samantala, haharap naman sa kasong Frustrated homicide ang naturang suspek.