CAUAYAN CITY- Muling nasugatan sa pagpapaputok ang isang 45 taong gulang na lalaki sa Ambatali, Ramon, Isabela na nasugatan sa pagpapaputok ng firecracker noong 2019 at naputulan ng daliri

Nag-iinuman ang biktima kasama ang mga kaibigan nang magpakitang gilas sa pamamagitan ng pagsindi sa isang whistle bomb subalit hindi niya agad naihagis sanhi para masugatan ang kamay.

Samantala, biktima rin ng paputok ang isang 10 anyos na batang lalaki sa Barangay Dubinan, Santiago City.

Naglalaro umano ng mga tira-tirang lusis ang biktima nang mahawakan ang isang may sindi pa kaya nagtamo ng 1st degree burn sa kanang kamay na agad na dinala sa ospital at nilapatan ng Lunas.