NAGA CITY- Arestado ang isa katao dahil sa pagbabanta nito sa mag-asawa sa Tigaon, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Arnel Celestial, 51-anyos, residente ng Barangay Casuna, sa nasabing bayan.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Jill Muñoz, tagapagsalita ng Tigaon Municipal Police Station, sinabi nito na sapilitang pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima na sina Orlando Conde at Agnes Celestial-Conde.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid pa na may dala itong bolo at kalaykay si Arnel at binantaan ang nasabing mga biktima na papatayin.

Dagdag pa ni Muñoz, ang hindi pagkakaintindihan ng suspek at biktima ang dahilan ng nasabing insidente.

Samantala, tiniyak naman nito na nasa mabuting kalagayan na ang mga biktima at wala naman umanong nasaktan sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.