-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng FBI ang isang 38-anyos na lalaki sa Texas na namaril ng kaniyang kapitbahay.

Ang suspek na si Francisco Oropeza ay itinuturing ng mga otoridad na “armed and dangerous” matapos na tumakas sa insidente.

Pawang mga Honduras ang mga biktima kabilang ang 8-anyos na bata.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na sinuway ng kaniyang kapitbahay ang suspek dahil sa pagsasagawa nito ng practice-shooting sa lugar kaya ito ay nagalit at pinagbabaril ang mga biktima.

Nagsasagawa na ng malawakang operasyon ang mga otroridad para agad na matunton ang kinaroroonan ng suspek.