Tumanggi ang Philippine National Police (PNP) na magkomento sa umano’y hiling ni Senador Ronald dela Rosa na manatili sa Camp Crame matapos ang shooting incident sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13.
Nauna nang ibinunyag ni Senate Acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na humiling umano ang senador kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. kung maaari siyang manatili sa isang room sa national police headquarters.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, sa ngayon ay wala muna silang komento kaugnay sa naturang usapin.
Sa ngayon, itinuring ng wanted ng International Criminal Court (ICC) si dela Rosa bilang co-perpetrator sa crimes against humanity may kaugnayan sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.
Matatandaan, nagsilbing PNP chief si Dela Rosa mula 2016 hanggang 2018.
















