BUTUAN CITY – Dineklarang dead-on arrival sa ospital ang lalaking binaril sa labas ng palengke sa Barangay 3, bayan sa Buenavista, Agusan del Norte.

Ganap na ala1:30 kahapon ng binawian ng buhay ang biktimang si Jason Bantugan, residente sa Brgy. Upper Olave sakop sa nasabing bayan nang dinala ito sa Agusan Del Norte Provincial Hospital.

Una nang binaril ang biktima habang sakay sa kaniyang motorsiklo at paalis na sana sa merkado, sa 4 na mga suspetsado na nakasakay rin sa dalawang single motor.

Ayon sa nakakita sa pangyayari na si Agustin Caubat, nakasunod umano sa kaniya ang biktimang sakay sa kaniyang motorsiklo na sinundan naman sa dalawang lalaking sakay sa motorsiklo hanggang sa ito ay binaril ang biktima.

Nang natumba na ito, dalawa na namang suspek na sakay rin sa motorsiklo ang bumanat pa sa biktima at saka tumakas.