NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kainuman sa Bato, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Felizardo Catina, residente ng Brgy. Masoli sa naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office (PRO-5), napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kinilalang si Melchor Bucad, 40-anyos sa bahay ng isang Beatriz Bucad ng bigla na lamang itong nagkaroon ng mainit na argumento.
Dahil dito, pinagtataga ng suspek ang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan ni Catina.
Ayon pa dito, agad din na dinala sa ospital si ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.