LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos nalunod sa isang resort sa Sarrat, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Fernando Hernando, 47-anyos, taga Barangay 8 dito sa Lungsod ng Laoag.

Ayon sa report, nagtungo ang biktima at pamilya nito sa Gansatao Resort Village sa bayan ng Sarrat.

Habang nasa resort ang pamilya ay uminom ng alak ang biktima bago siya naligo na nagresulta na ng kanyang pagkalunod.

Dinala ang biktima sa Dingras District Hospital sa bayan ng Dingras subalit idineklarang dead on arrival.