BUTUAN CITY – Imbes na magsaya, puno ng paghihinagpis at mas nagsisisi ngayon ang isang construction worker na nagturok ng petroleum jelly sa kanyang ari sa pagnanais na lumaki ito.

Nagpapagamot ngayon sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang biktimang itinago lang sa pangalang “Ondo,” residente ng Brgy. Balang-Balang, sa bayan ng Remedios T. Romualdez, Agusan del Norte dahil sa hindi na makayanang sakit sa nadarama sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Salaysay ni Ondo, ang kanya umanong maliit na ari raw ang dahilan kaya hiniwalayan ito ng kanyang asawa kung kaya’t nagpaturok siya ng petroleum jelly.

Wala nang magawa pa ang biktima kundi ang pagtanggap sa ibinigay sa kanya.