-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong murder ang suspek na pumatay sa lalaki na nakarelasyon ng kanyang live-in partner sa Zone 1, Upper Balulang nitong lungsod.
Sinabi ni Carmen Police Station Commander Major Peter Tajor na nakumbinsi ng kanyang pamilya si Johnriel Ellarina, 21 na sumuko ilang oras matapos mapatay niya si Jonriel Coronel, 27 gamit ang mahabang kutsilyo.
Biglang nagdilim umano ang paningi ng suspek kaya’t nagawa ang krimen.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay.