KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong concubinage ang isang lalaki at ang kalaguyo nito makaraang mahuli sa akto ng misis na walang saplot pang ibaba sa isang boarding house sa Sitio Malabunot, Barangay Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Batay sa ulat mula sa Malay Police Station, nahuli ng 37-anyos na misis ang kanyang mister na driver kasiping ang kalaguyo nitong isang masahista sa loob ng kuwarto.

Kaugnay nito, kaagad siyang nagsumbong sa tanggapan ng pulisya at pinuntahan ang sinasabing boarding house kung saan laking gulat ng dalawa na tumambad sa kanila ang mga pulis na naabutan pa ang mga ito na walang saplot pang-ibaba.

Tinangka pa umanong tumakas ng lalake sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ngunit hindi rin ito nagtagumpay dahil nahuli rin siya kaagad ng mga awtoridad.

Ang dalawa ay nakakulong na at nasampahan ng karampatang kaso.