-- Advertisements --
Muling namayani ang tambalang LeBron James at Anthony Davis upang isalba ang Los Angeles Lakers laban sa Memphis Grizzlies, 94-92.
Kapawa may tig-26 points ang dalawang kung saan nagdagdag naman ng 11 reboudns at 7 assists si LeBron.
Parehong inalat ang magkalabang team pero sa huli sina James at Davis pa rin ang nag-angat sa Lakers para sa ikaapat na magkasunod nna panalo para iposte ang kabuuang record na 6-2.
Ang Grizzlies naman ay nasadlak pa sa 2-5 kartada.
Pawang may tig-13 puntos sina Jonas Valanciunas, Dillon Brooks at Gorgui Dieng para sa Memphis.
Sunod na makakalaro ng Lakers sa kanilang pagbabalik sa homecourt ay ang San Antonio Spurs sa Biyernes.
Ang Grizzlies naman ay host sa banggaan nila sa Cleveland Cavaliers.