-- Advertisements --

Inamin ni Anthony Davis na desperado ngayon ang Los Angeles Lakers upang makaiwas sa play-in tournament lalo na at tatlong games na lamang ang natitira sa regular season.

Target ng defending champion na makausad sa NBA playoffs at hangad din na makalaro na muli ang kanilang superstar na si LeBron James upang madagdagan ang kanilang puwersa.

Kanina nalusutan ng Lakers sa overtime game ang New York Knicks, 101-99.

Bumida sa panalo ng Lakers si Talen Horton-Tucker na nagawang maipasok ang go-ahead 3-pointer sa kabila na may 21.1 seconds na lamang ang natitira sa overtime.

Kinailangan din ni Horton-Tucker na magdoble kayod lalo na ang kanilang point guard na si Alex Caruso ay hindi natapos ang game bunsod ng pagsakit ng kanyang kanang paa.

Sa kabuuang nagtapos si Talen na may 13 points kung saan ang pitong puntos ay nagawa niya sa overtime.

Ginamit din ng Lakers ang kalamangan nila sa rebound 51-39 upang itumba ang Knicks.

Ang nagbabalik na si Kyle Kuzma, ay nanguna sa kampanya na may 23 points habang si Davis ay nagpakita ng 20.

Sa ngayon ang Los Angeles (39-30) ay nalalayo ng isang game sa likod ng Portland at Dallas para sa sixth seed sa Western Conference.