Nahaharap sa pinakamahirap na sitwasyon ngayon ang Los Angeles Lakers sa pagtatangka nilang madepensahan ang korona bilang NBA champions.
Sinasabing dadaan sa butas ng karayom ang Lakers matapos na malaglaglag sila sa play-offs at sa halip ay napunta sa play-in round.
Sa kanilang knockout game sa darating na Huwebes, kailangan pa nilang talunin ang Golden State Warriors na lumakas din dahil sa shooting king na si Stephen Curry.
Ayon naman sa Lakers star na si LeBron James, handa na siya sa malaking hamon lalo na at medyo gumagaling na siya at si Anthony Davis mula sa injuries.
Batay sa pagtaya, kailangang manalo ng 17 beses ang Lakers bago tanghaling back-to-back champions.
Nasabi tuloy ni Lakers reserve Jared Dudley, kapag nagkataon ito na ang pinakamalupit na challenge na haharapin ng Lakers sa kasaysayan ng NBA.
“It will be the hardest challenge any team has ever had in NBA history,” ani Dudley. “We’re the defending champs, they’ve got to worry about us.”