-- Advertisements --

Itinuturing ng ilang eksperto na big winner ngayong off season ang defending champion na Los Angeles Lakers na lalong lumakas pa raw matapos makuha ang ilang players sa trade.

Sa katauhan lamang daw ng beteranong si Marc Gasol ay sulit na ang team.

Sakto raw sa Lakers ang future Hall of Famer pagdating sa passing ability nito at tinatawag na paghanap ng “spacing.”

Marc Gasol
Marc Gasol

Nadagdagan din daw ang koponan ng offensive options matapos makuha sina Dennis Schroder at Montrezl Harrell.

Hindi raw tulad ng dati na palaging binibitbit nina LeBron James at Anthony Davis ang team.

Maganda rin daw na pampalit ng Lakers si Wesley Matthews kay Danny Green.

Ito ay kahit nawala pa ang dalawa pang veteran stars na sina Rajon Rondo at Dwight Howard.