-- Advertisements --

Bumawi ngayon ng panalo ang Los Angeles Lakers matapos na malusutan ang Orlando Magic, 116-105.

Nagawang matuldukan ng Lakers ang tatlong sunod na pagkatalo.

Habang ang Orlando naman ay nalasap ang ikaapat na sunod-sunod na talo.

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya si Lakers star LeBron James gamit ang 29 points para iposte ang come-from-behind win.

Pagsapit naman ng second half tumayong center na ang diskarte ni LeBron matapos na palitan si Dwight Howard.

Naglaro na rin ang isa pang Lakers star na si Russell Westbrook makaraang hindi ipasok sa buong 4th quarter nang matalo sila kahapon ng Indiana Pacers.

Nag-ambag si Westbrook ng 18 points at 11 rebounds para sa kanilang ika-23 wins ngayong season.

Samantala, sa ibang game naman hindi rin nagpahuli ang Los Angeles Clippers para magtala rin nang panalo laban sa Philadelphia Sixers, 102-101.

Matinding pagkayod ang ginawa ng Clippers upang habulin ang 24 puntos na kalamangan ng Sixers.

Meron ng kabuuang 23 wins ang Clippers pero malayo pa rin na angat sa 26 wins ang Sixers kahit natalo kanina.

Nasayang naman ang 40 puntos na ginawa ni Joel Embiid para sa Philadelphia kung saan nitong nakalipas na araw ay nagbuhos din siya ng record breaking na 50 points.