GENERAL SANTOS CITY – Idadaan sa civil action ang lahat ng reklamo ng mga naglagay ng pera sa Kabus Padatuon (KAPA) na ang pakay ay mabayaran matapos tinakbuhan ng founder na si Joel Apolinario.
Ayon sa head ng National Bureau of Investigation-Sarangani Gensan District (NBI-SARDO) na si Regner Pineza, kung magdesisyon ang korte at i-convict si Apolinario ay sasagutin ng akusado ang civil liability.
Dagdag ni Pineza na kung may pag-aari man si Apolinario ay posibleng doon kukunin ang ipangbayad na pera.
Ayon pa sa NBI-SARDO head, ang importante ay maakyat ang kaso laban kay Apolinario dahil dala nito ang civil liability.
Sa ngayon ay patuloy ang pagtanggap ng NBI sa mga reklamo laban kay Apolinario.
Sinabi din nito na dapat hawakan ng korte ang mga ari-arian sa pamamagitan ng civil porfeiture proceedings para mapakinabangan naman ng gobyerno.