Nanguna si Lady Gaga bilang best-dressed celebrities ng People magazine ngayong taon.

Itinuturing siya na “icon” ng nasabing fashion magazine dahil sa pagdadala nito ng kaniyang mga kasuotan.

Kabilang din sa top-10 sina “Euphoria” star Zendaya at Oscar-winning actress na si Viola Davis.

Napili ang actor na si Leslie Odom Jr dahil sa pagdadala ng mga suot panlalaki sa mga red carpet event.

Itinuturing naman na “fan favorite” ang actor na si Dan Levy dahil sa pagiging kenkoy nito sa mga fans.

-- Advertisement --