-- Advertisements --

Itinanggi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang usapin ng pagkakaroon ng palitan ng pamumuno sa Senado.

Ayon sa Senador na walang katotohanan ang nasabing usapin at ito ay luma na ibinabalik na psywar tactic.

Layon umano ng nagpapakalat ng balita ay para magkaroon ng kalituhan at magtanim ng intriga sa mga miyembro ng majority.

Reaksyon ito ng Senador sa usapin na ilang mga kapwa niya senador ang pumanig at nagbigay suporta kay Senate Minority Leader Alan Cayetano para susunod na maging Senate President.

Magugunitang noong nakaraang buwan pa lamang ay pinalitan ni Senator Tito Sotto si Sen. Chiz Escudero para maging Senate President dahil sa usapin ng pagtanggap umano nito ng campaign donation mula sa contractor na sangkot sa flood control project anomalies.