Khabib vs Tony Ferguson
Khabib vs Tony Ferguson/ FB image

Hindi muna itutuloy ng UFC ang laban ni Khabib Nurmagomedov at Tony Ferguson.

Ito ay matapos na ianunsiyo ni Khabib na nais niyang manatili sa quarantine dahil sa coronavirus outbreak.

Gagawin sana ang laban ng dalawa sa Abril 18 sa Barclay Center sa Brooklyn, New York.

Matapos na umuwi sa kaniyang bahay sa Dagestan, Russia mula a California, sinabi ni Nurmagomedov na hindi ito lalabas sa bahay kahit na hikayatin ito ni UFC President Dana White.

Ang laban ay limang beses ng naiplano mula pa noong 2015 subalit hindi ito natuloy dahil sa mga aberya gaya ng injury at pagkakasakit ng magkabilang fighter.