Labis ang kasiyahan ni Kris Aquino matapos ang muling pagkikita nila ng kapatid na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa kaniyang Instagram account ibinahagi nito ang isang video habang nasa loob sila ng simbahan.

Kinuha kasi bilang ninang ang actress habang ninong sa kasal ang dating pangulo ng malapit na kaibigan ng pamilya.

Makikita sa video na tila naging magaan na ang loob ng dating pangulo sa nakakabatang kapatid.

Magugunitang mahigit dalawang taon na hindi nag-uusap ang magkapatid na hindi naman na binanggit pa ng actress ang kadahilanan.