-- Advertisements --
Naninirahan na ngayon malapit sa dagat ang tv host-actress na si Kris Aquino.
Kinumpirma ng kaniyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares na nakatira na sa hindi na binanggit na lugar habang ito ay nagpapagaling.
Sa social media account ni Balares ay nagbigay ito ng update sa buhay ni Kris at sinabing nasa isang beach na lamang ito nakatira.
Itinanggi rin nito na nasa kritikal na kondisyon ang tv host matapos na dapuan ng autoimmuno disease.
Una na ring sinabi ni Kris na plano niyang lumipat sa probinsiya dahil sa labis na polusyon sa Metro Manila na hindi maganda para sa kaniyang kalusugan.