Tuluyan nang binawi ni Queen of all media Kris Aquino ang kasong isinampa nito laban sa kanyang dating project director na si Nicko Falcis sa Office of the Prosecutor ng Mandaluyong City.

Noong March 23 ay umapela ang kampo ni Kris na iatras ang kasong qualified theft laban kay Falcis ngunit hindi pa tukoy ang tunay na dahilan ng desisyong ito ni Kris.

-- Advertisement --

Kung matatandaan, sinampahan ng aktres ng reklamong qualified theft si Falcis sa Office of the Prosecutor sa pitong syudad sa Maynila.

Ito ay dahil sa di-umano’y paggamit ni Nicko ng P1.2 million mula sa credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) nang walang pahintulot ni Kris.